Ang Mabuting Balita ng Dakilang Kagalakan
25 Devotional Readings para sa Advent ni John Piper
‘Ano ang Nais ni Jesus Ngayong Pasko?’
Ang masayang pagbubulay-bulay at nananabik na paghihintay ay tanda ng panahon ng Pasko, kung kailan ipinagdiriwang ng mga Cristiano sa iba’t ibang panig ng mundo ang pagdating ng kanilang Tagapagligtas. Sa Ang Mabuting Balita ng Dakilang Kagalakan, inaanyayahan ni John Piper ang mga mambabasa na i-focus ang kanilang puso kay Jesus sa panahon ng Advent.
“Inihahatid sa atin ng ANG MABUTING BALITA NG DAKILANG KAGALAKAN ang isang sariwang pagtuklas sa kaluwalhatian ng Pasko. Anong ginhawa para sa mga busy na tao . . . na pagnilay-nilayan [araw-araw] si Jesus, ang ating Tagapagligtas—at magpahinga, magalak, manariwa!” (Ray Ortlund)
Isang Treasure Chest ng Katotohanan Tungkol kay Jesus!
Layunin ng aklat ng meditations para sa Advent na ito na ilagay si Jesus sa sentro ng inyong kapaskuhan. Ang readings na ito ay hango sa mga sinulat ni John Piper.
© 2021 by Driven By the Gospel